Sabay tayong lumusong patungo sa di-matiyak na tubig ng baka-sakali. Malamig ang tubig, pati ang alaala ko'y nanginginig sa pagdampi nito. Pero sabi mo ay ayos lang, "kasama mo naman ako," lalo akong gininaw. Kaya umaahon na ako, 'di ko na rin kasi matantiya kung kaya ko pa ang manatili sa'yo at 'di malunod. -salbabida
Sunday, October 01, 2006
wap - paak!

did i tell you guys na naloloko ako sa wap? nagwawap ako maya't-maya, 
every hour, everyday. wap is the internet for mobile phones, pwede
kang magbrowse using your wap enabled cellphone. marami na din ang
nagwawap via gprs or 3g, dito sa pilipinas at sa ibang bansa.
 
sa kakawap ko, may ilan na din akong knowledge about hacking, para sa
mga tulad kong walang load o nagtitipid ng load, pagda-download ng 
libre, masasabi na ding isang uri ng pagnanakaw. (what!? di nga? ako,
magnanakaw? nah, what the heck! marami namang gumagawa nun, by
the millions pati sa ibang bansa) nalaman ko din ang so called "free
browsing technique" (fbt), o ang pagwawap ng libre kahit pa insufficient
ang load o kahit zero balance ka pa. alam kasi natin na may bayad ang
wap browsing, tulad sa globe at sun cellular na dating libre pero ngayon
may charge na per kilobyte. ang smart naman na dating per kilobyte din
ang charge, ngayon ay P10 kada 30 minutes, ayos na 'yun 'di ba? kaya
kung iisipin natin, mas sulit magwap using smart, mas tipid, pero para
sa mga may load lang 'yun o sa mga nagtitipid sa load.
 
pero mas ayos at mas tipid talaga if you know the fbt, you can browse
anytime kahit wala kang load. (er, note lang po that this fbt is accessible
only sa network na may dating tag line na "posible" na naging "ang lakas
mo sa.." tapos ngayon ay "iba talaga 'pag -- ka." o guys na kanetwork,
alam natin 'yan, may sim pa nga 'yan na "kapamilya" 'di ba?) may iba't-
ibang klase at paraan ng fbt depende sa unit ng cellphone, konti lang ang
alam ko at pang-nokia lang, di ko alam ang sa ibang brand. fbt requires
the right timing sa pagpindot ng tamang keypad. mangangailangan din
ng patience, importante din 'yun kasi 'pag maikli ang pasensya mo eh
malamang maibalibag mo ang cp mo kapag 'di ka makapasok sa wapsite
na gusto mong puntahan. believe me, muntik ng mangyari sa akin 'yun
dati hehe. 'di ko pa gaanong master ang fbt pero nakakapasok naman
ako sa maraming wapsite, minsan talaga lang may pagkakataon na 'di
makapasok at lagging "notice" ang lumalabas, ganun talaga, ulitin na
lang uli hanggang maging successful ang pagpasok sa wapsite. ayos!
yeeehhhhh!! success!
 
isa pang natutunan ko sa wap ay ang paggawa ng wapsite, ng sarili kong
wapsite! medyo konti lang ang alam ko pero madali lang matutunan.
parang sa net lang din, may konti lang pagkakaiba, kung html codes ang
sa web, wml codes naman sa wap pero marami ding pagkakatulad. you
can also build your own wapsite, maraming wapsite na nag-ooffer ng
site-building for free tulad ng tagtag.com, wen.ru, prodigits, etc. 'yung
wapsite na ginawa ko ay 'di pa gaanong tapos, siguro mga 60% pa lang
ang ayos na, kelan ko lang kasi sinimulan 'yun. walang nag-introduce o
nagturo sa akin nun basta nalaman ko lang, explorer din kasi ako. simple
lang ang ginawa kong wapsite. kung ayos lang sa inyo guys, you can
visit and take a peep at it basta walang pintas ah, hehe. mas ayos kung
marunong kayo ng fbt, eto po ang address:
icemaster.wen.ru may free downloads dun for your phones, symbian
applications, java applications, anime polys, wallpapers (hehe, under
construction pa po), java games, symbian games at iba pang services.
meron din ako dun na photo album, wala lang pandagdag feature lang,
hehe. saka may ilan pa akong gustong ilagay dun, matatapos ko din 'yun
someday, maybe, i hope so.
 
o sa mga astig kong kablog in da hauz, kung may sarili din kayong wap
site tell me, para mabisita ko din. at kung ayos lang sa inyo, ilink ko kayo
sa wapsite ko. hanggang dito na lang po muna, keep on rockin' guys!
 
pahabol na mga salita: guys, bithday ko po ngayon. greet nyo naman ako.
hehe. sige po, next time na lang uli. chow! :)

Posted by at 04:41 pm
biter [1]  



Saturday, September 30, 2006
bahid

dalawang beses mong isipin
gamitin ang panahon at ituwid muli
maging maingat sa iyong disenyong
ginamit sa pagkakamali
 
makasampung ulit
isinapanganib mo ang lahat
sa pagkakataong ito wala ng sinuman
ang magdurusa sa iyong pagbagsak
 
huwag mong pag-aralan na matutunan
na baguhin ang iyong mga gawi
natatakot ka ba sa sasabihin
ng iyong mga bayani?
 
maniwala ka at paduguin
ang iyong mga kahinaan
sa pagkakataong ito wala ng lugar
para sa iyong kasiraan
 
tinakpan mo ang iyong mga pilat
ng sariwang dugo...
sariwang dugo mula sa
nasugatang madilim na puso
 
pagpigil ang sukat ng iyong
tunay na kalakasan
sa pagkakataong ito iyon din
ang sukat ng iyong kahihinatnan

Posted by at 01:56 pm
bite me  



tulad ng dati

iyon ay isang araw na katulad ng ngayon
sa buhay ng ating panahon
ang pagkikibit-balikat ay tanda na wala ng pagkakataon
hindi sa akin ang desisyon
 
hindi ka kailanman nakinig sa mga sinabi ko
kahit kailan hindi ako nanalo
alam mong ibinigay ko ang lahat ng makakaya ko
kawalang-tiwala ang iginanti mo
 
ngayon natutunan ko na ang mga kasinungalingan
na naghahari mula sa kalangitan
hindi mahanap ang proteksyong kailangan
at ikaw ang may kasalanan
 
at aking naalala, at nagbalik sa isip ko
at aking nakita na walang naging pagbabago
tayo man ay mag-alinlangan, 'di kailangang manlumo
dahil tulad ng dati, walang nagbago

Posted by at 01:21 pm
bite me  



Thursday, September 21, 2006
may sasabihin ba kayo?

...

 

If you want to say something, don't say it upon the wind for your words   might be blown away. Nor say it on fire for the blaze might burn your   sentence. Nor say it beneath the water for every letter of your words   might be washed away.

 

...

 

If you want to say something, say it like you   plant every letter under the earth. It might sprout into words, and   grow into a full sentence with fruits of sense.

 

...

Mean every word you   say, because if not, just throw every letter of your words away upon the   wind, in fire or in water. Or better yet, just shut up your mouth.

...


Posted by at 10:39 am
bite me  



Friday, August 04, 2006
pesteng ribbon

it was another bad day... nasira ang ribbon ng 7650, ang cellphone na ginagamit ko. nakow! pinagtitiyagan ko na nga lang 'yun, nagloko pa. di tuloy ako makapagwap. medyo naaadict kasi ako sa wap eh, in fact nakagawa na ako ng sarili kong wapsite, but under construction pa 'yung ibang part kasi nga 'di ko matuloy-tuloy dahil nasira ang ribbon nun. namputsang anak ng teteng o!

2 days later... ayun, napagawa ko rin at last. bwahaha! hanep ang ngiti sa mukha, may mapaglilibangan na naman ako, something to do, hehe. sabi sa akin nung gumawa, mura na raw 'yung P400. wait a minute guys, mura nga ba 'yun? anyways, what the heck, nakapagbayad na ako eh, hayaan na natin. naayos na naman eh, i will just see if ayos nga 'yung trabaho ng gumawa nun.

few days, weeks, months after... waahh! nasira na naman! pambihirang buhay 'to o! palitan mo na kasi ang cellphone na 'yan. ha? bumili ka na ng bago. 'yun nga ang gusto ko, sus! matagal na, matagal na matagal na. kaya lang wala pa tayong perang pambili eh. yeh, alam ko, kaya tiis-tiis na lang muna. ano pa nga ba? ganun talaga. hay life nga naman o, parang buhay. (note: sarili ko po ang kinakausap ko dito. tulad din ako ng mga kakilala nyong may pagka-weirdo, hope you understand. kung hindi naman eh... whapaak!)

 

regards: thanks a lot reine rico litimco. :)


Posted by at 06:35 pm
bite me  




Next Page

icemast3r



Home

ahr tolentino
meycauayan, bulacan
october 01
poet at writer kuno
frustrated guitarist (hirap pare)
alternative rocker
kenshin fanatic
one of spongebob's victim
laconic
black is my color
nature lover
has no religion, yet i'm not an atheist
silent type na topakin
medyo insomniac
weirdo, yeh weirdo ako
pessimistic sometimes
desperate, but i don't wanna die yet





"what you want to be like tomorrow depends on the choices you make today."



tagboard





calendar

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Ayos ba?


bits and pieces

quote "there is no such thing as death, in nature nothing dies, from each sad remnant of decay some forms of life arise."
- charles mackey (1814 - 1889)


did you know that we breathe in 15 kilograms of air everyday. that's more than the food we eat and water we drink per day.

video you and me by lifehouse

bloggers




links




notification

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed